DON’T JUDGE SOMEONE JUST BECAUSE THEY SIN DIFFERENTLY THAN YOU… KAYA CHILLAX.. =) 

If I had to associate MYSELF with one SONG, it would probably this music video.. “MORE TO LIFE” =) …..d’

"There’s gotta be more to life
Than chasing down every temporary high to satisfy me
'Cause the more that I'm
Tripping out thinking there must be more to life
Well it’s life, but I’m sure, there’s gotta be more
Than wanting more

I’ve got the time and I’m wasting it slowly
Here in this moment I’m half way out the door
Onto the next thing, I’m searching for something that’s missing”

hey adrianna.. this is what i am talking about… KALOKALIKE.. haha

ahaha <ang kulit lang> at talagang may classifications pa ang mga bf., pecking duck talaga

1. JAMES BOND - mga klaseng boyfriend the chickboy, talagang mahilig sa babae. Ito yung klaseng boyfriend na parating nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanilang mga girlfriend. Madalas lumuwa ang mga mata niyan pag may sexing babaeng nakikita.

2. PASTOR ELY - mga boyfriend na hindi makabasag ng pinggan, kadalasang mababait at parang pastor na nangangaral sa mga tao. Madalas niyang pangaralan ang kanyang girlfriend tungkol sa mabubuting salita ng Panginoon. Very endangered ang mga Pastor Ely, kaunting-kaunti lang sila pero magaling humawak ng relasyon.

3. COMMANDER ROBOT - mga boyfriend na seloso, over protective, at paladikta sa kanyang girlfriend. Yung tipong ayaw niyang padapuin yung kanyang GF sa ibang tao. Palagi siyang nakabuntot at binabantayan ang bawat kilos ng kanyang GF. Madalas nasisira agad ang isang relasyon kapag ang lalaki ay Commander Robot.

4. BED-KING - mga boyfriend na kaya lamang gustong magka-girlfriend ay upang gawing pampalipas-oras. Mga boyfriend na masyadong ma-L. Palaging gustong matulog kasama ang kanyang GF. Sexually adventurous si bed-king at hindi ideal ng mga Maria-Clara style na babae.

5. CRISOSTOMO IBARRA - mga boyfriend na masyadong matatalino. Palaging pinaglalaban ang kanyang mga karapatan. Minsan ginagamit ang katalinuhan upang mang-akit ng girls. Palaban, madalas isinisingit ang kayang rights as BF. Kadalasan ito ang mga boyfriend na walang gaanong looks pero dinadaan sa utak ang pagsuyo sa babae. Masyado ring mapalabok ang kanyang sinasabi - yung tipong matalinhaga at para kang magkaka-nose bleed pang kinausap mo.

6. COCO-LOCO - mga lalaking kinababaliwan dahil gwapo, may looks, kaya nga loco. Yun nga lang medyo matu-turn-off ka dahil kung ano ang guwapo niya siya namang kawalan ng utak. Mga BF na sumusunod lang sa agos, walang alam sa buhay. Walang talino in short. Coco dahil parang empty coconut shell ang utak. Madalas ang GF ang sumasalo ng lahat ng problema kapag may problemang dumating sa kanilang relasyon.

7. UTO-UTO - from the word itself. Ito yung mga BF na madaling lokohin, bigay-kaya kahit na alam na niyang niloloko siya. Madalas mahiyain ang mga Uto-uto. Hindi makahindi sa mga girls. Kapag ikaw ang GF niya, madalas ka ring magka-migraine dahil kahit na pangaralan mo e tuloy-tuloy pa rin sa pagpapaloko.

8. MR. EASY-GO-LUCKY - mga BF na kaya lamang nabuhay sa mundo e para mag-bunjee jumping at kumain. Mga walang alam sa buhay, tamad, at sumusunod sa agos. May talino ang mga ito, unlike sa mga coco-loco, ngunit hindi ginagamit ng husto. Mabisyo rin ang ganitong type ng BF. Laging may hithit na sigarilyo, laging nasa inuman, laging nasa lakwatsahan. Kung ikaw ang GF, iniexpect niya lagi kang sasama sa kanyang mga gimmicks. Palatandaan ng mga ganitong BF: palaging kasama ang kanyang mga ka-tropa.

9. ECONOMISTA - mga BF na nakakaimbiyerna hindi dahil pangit ang ugali niya, kundi masyadong BARAT, KURIPOT, at WAIS. Ito yung tipo ng BF na kapag kakain kayo sa labas e sa karinderya ka ibabagsak, o sa tindahan ng kwek-kwek. Less romantic ang mga ganitong BF dahil kapag mag-de-date kayo e laging KKB as in KANYA-KANYANG BAYAD. Masinop sa pera, madalas siyang magbigay ng mga regalo na mabibili lang sa Divisoria, buy-one-take-one pa! Ito yung tipong BF na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa kanyang GF.

10. ROADRUNNER - mga BF na bigay-kaya ngunit wais. Mabilis pagdating sa persistence. Ito yung BF na mabilis pa sa alas-kuwatro pag susunduin niya ang GF sa school man o sa trabaho. Bigay-kaya in a sense na madalas siyang may regalo sa kanyang GF, yung tipong nakatatak na sa utak niya kung kailan ang birthday mo, monthsary ninyo, birthday ng nanay mo, tatay mo, blah-blah. Pero may limitasyon din itong si Road runner dahil pag nag-break kayo, sisingilin niyang lahat ang mga naibigay niya sa iyo.

11. SALAWAHAN - very very very basic. Mga BF na mahilig sa girls, kung magka-girlfriend e dalawa. Minsan 3. Minsan 4. Mga traydor, palihim na sumisimple sa GF at naghahanap ng panibagong GF. Madalas pinagsasabay ng mga ganitong BF ang dalawa o higit pang relasyon. Madalas itong magbigay ng sakit ng ulo sa GF lalo na kung selosa ang una. Katulad siya ni James Bond, in short, pero ang Salawahan talagang lantaran sa panloloko sa kanyang GF. Ang mga James Bond naman, on the other hand, ay madalas ligaw-tingin lang sa makikita niyang sexy girls. Pero ang Salawahan, gagawin niya ang lahat para lamang mapasakanya ang mga babaeng nais niya.

12. MR. DREAMBOY - mga BF na masyadong sweet, caring, maalalahanin, thoughtful at parang tutang sunud-sunuran sa GF. Ito yung mga BF na under-de-saya. Sinasamba ang kanyang GF, in short. Ito yung mga BF na madalas tanungin ang kanyang GF kung kumain na ito, kung naiinitan ito, kung nalulungkot ito blah-blah. Pero kung ako ang GF, medyo maaasiwa ako sa mga Mr. Dreamboy dahil para itong tutang susunod-sunod sa iyo. Kulang na lang dilaan ang pwet mo kung tatantiyahin mo kung paano ka niya sambahin. Perfect na sana si Mr. Dreamboy, yun nga lang medyo nakakaasiwa.

13. RICHIE-RICH - ito yung mga BF na hambog, mayabang kasi nga mayaman-rich! Madalas maporma at laging new-wave. Kapag susunduin ang GF laging naka-wheels. Minsan Inglisero, minsan Pilipinong-Pilipino, minsan alien. Elite, maituturing siyang kabilang sa conyo sector. Yun nga lang maiimbiyerna ng kaunti ang GF dahil masyadong paistariray ang mga Richie-rich, gusto palaging bida. Kung mahal talaga ito ng GF, maaasar siya ng kaunti. Kung pera lang ang habol ng GF, wala lang sa kanya.

14. MR. NICE GUY - mga BF na masyadong matindi ang sense of humor. Mga one-liner at joker kaya madalas sumakit ang tiyan ng GF dahil sa katatawa. Parang Easy-go-lucky, medyo nakikiagos lang sa sitwasyon. Minsan papansin din si Mr. Nice Guy pero hindi ka nga maaasar sa halip matatawa ka lang sa kanya.

15. PAPA BORI - opposite ng Mr. Nice guy. Mga BF na BULOK ang sense of humor. Madalas tahimik, borrrriiiiiing, at corny. Heto yung tipong BF na parang may sariling mundo, minsan parang may dinadaluhang lamay gabi-gabi kung tatantsahin mo ang kanyang pagiging boring. Masyado ring problematic si Papa Bori at mahirap pakisamahan. Madalas na rin siyang nabasted dahil sa kanyang ugali.

16. PAPA BORITO - parang Papa Bori, salat sa sense of humor, tahimik, boring, corny pero hindi problematic. Para lang siyang may sariling mundo. Pero madali siyang pakisamahan. Mahiyain, medyo madaling bolahin itong si Papa Borito kaysa kay Papa Bori na parang laging galit sa mundo. Madaling pakisamahan ang Papa Borito at kung ikaw ang GF, medyo pagtiisan mo ang pagiging tahimik niya.

17. MR. RIGHT GUY - mga BF na guwapo, mabait, matalino, perpekto. Wala ka nang hahanapin pa. Isa nga lang ang problema… HINDI PA SIYA PINAPANGANAK!1. JAMES BOND - mga klaseng boyfriend the chickboy, talagang mahilig sa babae. Ito yung klaseng boyfriend na parating nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanilang mga girlfriend. Madalas lumuwa ang mga mata niyan pag may sexing babaeng nakikita.

17. MR. RIGHT GUY - mga BF na guwapo, mabait, matalino, perpekto. Wala ka nang hahanapin pa. Isa nga lang ang problema… HINDI PA SIYA PINAPANGANAK!

EPAL (eh potah ang landey!!!) FRIENDZONE pa rin ang gusto!? pak u all from top to bottom with feelings

Ways to Escape the Dreaded Friendzone:

Method 1: “Escape artist” – ‘Love always finds a way’ ang OST nito. Kailangan mo ng creative way para matutunan ka niyang tignan in a whole new light. Tipong mapapa-realize siya na you were beside her all along pero di niya pansin until lantaran mong ipinakita sa kanya in a subtle way. Go the extra mile pero dahan dahan. (Rate of success: 60%)
Method 2: “Akyat bahay” – ‘Marry Your Daughter’ ang theme song. Kung nagbubulag-bulagan siya sa intensyon mo, umakyat ka na ng ligaw. Pero sa magulang ka magpaalam at sa kanila mo ipaalam. Sa gayon, kahit di ka niya gusto, at least gugustuhin ka ng magulang niya. At malay mo, may iba pa siyang kapatid na pwedeng ireto sayo. (Rate of success: 80%)
Method 3: “Forced entry” – ‘I Want To Know What Love Is’ ang background music habang nagdedemand ka na “I want you to show me.” Kasi sa method na ito, pipilitin mo siya magdecide kung friends na lang ba kayo, friends pa lang ba kayo, o kayo na. Delikado ito. Dahil maririnig mo ang matamis niyang “Oo!” o ang mapakla niyang “No way!” (Rate of success: 30%)
Method 4: “Salisi Gang” – Magmeditate sa kantang ‘Akin Ka Na Lang’. Hintayin mong magka-boyfriend siyang ungas at sasaktan siya. Tapos pag pinaiyak siya, banat ka ng: “Kung ako siya, aalagaan kita…” Ok sana ito pero di ka nakasisiguro. (Rate of success: 99% pero may 99% chance din na rebound ka lang.)
Method 5: “Ninja Indian” – Listen to Coco Lee’s ‘Before I Fall in Love’. Ito yung tipong eexit like a ninja ka sa life niya at magsisimula kang mang-indian sa mga lakad niyo at mga customs and traditions niyo bilang friends. In short, magpapamiss ka. Tapos pag di siya nakatiis at i-confront ka niya, kantahan mo lang ng ‘Before I Fall in Love’ o kaya kuha ka ng ibang lines sa song. Siguraduhin mo lang na di niya mahahalata. (Rate of success: 75% pero may 15% chance na di ka niya mamiss at mas masakit yun.)

May mga kilala akong magkaibigan na nagkaibigan at nagkatuluyan. Pero mas marami akong kilalang may kinaibigan dahil naibigan kaya ang ending ay kabiguan. Kaya check your motive. Isipin mo. Gusto mo ba siya o gusto mo lang talaga ng love life? Check your modus. Nagpanggap ka bang friend sa pagbabaka-sakaling mahulog siya sa iyo? Check your mate. May pag-asa ka ba o polite lang siya?

Huwag mo lokohin ang sarili mo. Sa totoo lang, ang pinakamadaling kumbinsihin, lokohin, at utuin ay ang sarili natin.

KNEELING DOWN., Y_Y

Naiwan na ako ng ilang besess sa maraming dahilan at sobrang sakit na dahilan. Pero hindi to dapat gawin sa isang babae ang luhuran ka na at halos lumuha na ng dugo mapatawad mo lng pero kaw tong sobrang tigas na parang perpekto at napakabanal na walang bahid ng kahit anong kasalanan. Oo sabihin nating mali tlga ang nagawa nila pero marami naman paraan para ipakita na masama ang loob mo at pwede nyo naman yang pag usapan sa isang private na lugar. Maraming paraan at maraming pwdeng gawin! HINDI TAYO DIYOS PARA LUHURAN!

OO sabihin naten na pantay pantay ang LALAKE AT ANG BABAE!!

Pero tingin mo ba mas naging pogi ka pag ginawa mo ito? Nabawasan ba ang galit mo dahil dito? Lumaki ba ang katawan mo? dumami ba ang pera mo? hindi naman db? lalake ka kaya ikaw ang bahala sa reslayon nyo! wag mong hayaang mag mukang tanga ang babaeng minamahal mo.

OO sabihin nanateng nasaktan ka, pero lalake kang ginawa ng diyos ginawa kang matapang, para ipagtangol ang babaeng MAHAL mo hindi para ipahiya sya sa maraming tao at sakatan!

"Facebook personalities." pampam lang wahaha.,

SIKAT

Sila yung mga taong napaka-popular sa facebook, bawat pinopost nila andaming nagla-like. Minsan magtataka ka hindi naman sila celebrity pero ang wagas ng likes sa pictures nila. Kadalasan sa kanila ay ang mga magaganda, gwapo, friendly, at mga heartrob.

PALIKERS

Sila yung tipo ng taong walang ginawa kundi magpa-like sayo ng picture at page na wala namang kwenta. Minsan di pa makuntento sa chat, yung mga sobrang kakapal ng mukha, nagwo-wall post pa sayo aba. Close tayo teh!.

FC much

Sila yung mga Feeling Close sa facebook, nila-like nila yung picture at album mo. Para lang mapansin sila, minsan bobolahin ka pa at sasabihan ka ng “pretty”, “ganda mo”. Tapos dun na magsisimula yung conversation niyo, tapos feeling na nila close kayo. 

GEEKS

Syempre, di sila mawawala. Sila yung tao na magbubukas lang ng facebook kung may kaylangang tanungin tungkol sa assignments and projects. Tapos kung mapapansin niyo kung magpalit sila ng DP/PP ay once in a blue moon. Minsan nga hinde na e.

FOREVER STALKER

Sila yung mga walang magawa sa facebook kundi iistalk yung mga crush nila. Tapos sila yung mga palaging updated sa mga stories tungkol sa mga lovelife ng ibang tao.

KUMIKITANG KABUHAYAN

Sila yung mga online sellers sa fb, gumagawa sila ng facebook para kumita at mabuhay. Kadalasan galit sila sa mga bogus buyers kung tawagin.

ON BUT OFF

Sila yung madalas online sa facebook, pero ‘pag ni-chat mo hinde ka sasagutin kasi online nga sila pero nasa ibang tab naman sila.

aka. REPORTERS

Ito yung mga taong ginagawang blog yung facebook, yung tipong lahat ng ginagawa nila ipo-post nila, para bang reporter at lahat ng nangyayari sa buhay nila kaylangan pang ipost. E, ano namang care namin sa’yo. 

POSERS

Sila yung mga gumagawa ng facebook para manloko kasi hinde sila kuntento sa sarili nila, kundi gumagamit sila ng ibang pictures ng tao para madaming friends, minsan naman nagpapanggap sila na ibang tao at gagawa ng kalokohan para lang maka-sira ng ibang tao. Pathetic much!

walang magawa.,

l love you, but I hate you. I miss you, but I’m better off without you. I want you out of my life, but I never want to let you go.